C E B U E X P E D I T I ON
![]() |
Cebu Metropolitan Cathedral
Ang Cebu Metropolitan Cathedral ay tinatawag rin na The Metropolitan
Cathedral of the Most Holy Name of Jesus and St. Vitalis,. Ang simbahang ito ay binuo noong 1689 hanggang 1909 at inayos pagkatapos ng World War 2 dahil itoy nagkaron ng malaking pinsala dulot ng giyera noong 1950.
Ang Minor Basilica of the Holy Child ay kilala din sa tawag na Santo Niño Church o Simbahan ng Santo Niño.Ito ang pinakamatandang simbahan ng Roman Catholic sa ating bansang Pilipinas. Ang simbahan ay itinayo sa mismong lugar kung saan natagpuan ng mga Espanyol na pinamumunuan ni Miguel Lopez de Legazpi ang imahe ng Santo Niño de Cebu noong 1565. Para sa mga debuto, ang simbahan ay tinatawag na "Mother and Head of all Churches in the Philippines" o "Ang ina at pinuno ng lahat ng mga simbahan sa Pilipinas. "
PLAZA INDEPENDENCIA
Ang Palza Independencia ay ang pinakamakasaysayang plaza sa Cebu. Ang lupa at ang mga matatandang puno ng Acacia ay ang mga saksi sa ibat ibang aspekto at mga kwento ng Cebu na mayaman sa aral at kasaysayan. Ang nasabing plaza ay makikita sa kalagitnaan ng Fort San Pedro at ang gusali na nagsisilbing Gobierno Provincial sa Cebu.
MAGELLAN'S CROSS
Ang krus ay nasaloob ng isang kapilya katabi ng Basilica Minore del Santo Niño sa Kalyeng Magallanes, sa harapan lamang ng sentro ng Lungsod ng Cebu. Sa isang pananda sa ilalim ng krus ay nagsasaad na ang orihinal na krus ay nasa loob ng isang kahoy na krus na nasa gitnang bahagi ng kapilya. Ito ay upang protektahan ang krus mula sa mga taong tumatapyas ng bahagi ng krus para sa This is to protect the original cross from people who chipped away parts of the cross for subenir o naman sa paniniwala na milagroso ang krus. Ngunit naniniwala ang ilan, na ang orihinal na krus ay nawasak o nawala pagkatapos ng pagkamatay ni Magallanes at ang krus ay isang replika lamang na itinanim ng mga Espanyol matapos tuluyang masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas.
Ang Loob ng Kapilya ng Krus ni Magellan
Dating bukas na dambana ang krus subali’t noong unti-unti nang tinatapyas ng mga deboto ang krus upang makapag-uwi ng relikyang pinaniniwalaang nakapagpapagaling ng karamdaman o upang gawing alaala, ay itinago na ito at nagpatayo ang pamahalaan ng kapilyang gawa sa adobe, kahoy at pulang tisa sa paligid nito. May nagsasabing ang orihinal na krus ni Magellan ay matagal nang nawasak at pinalitan na lamang ito ng mga kastilang dumating pagkatapos ni Magellan na napatay ng pinuno ng tribo na si Lapu-Lapu sa labanan sa Mactan, na isang pook din sa Cebu. Sa loob ng kapilya ay may nakapintang mga eksena sa kisame. Matutunghayan ang eksena ng pagdaong ng barko ni Magellan sa Cebu, ang unang pagdaraos ng Banal na Misa, at ang pagtitirik ng orihinal na krus sa dalampasigan.
Bukas sa lahat at walang bayad ang pagpasok sa kapilya nguni’t kung malaki ang grupo na nais bumisita sa krus ay kailangang pagpangkat-pangkatin ang mga kasama nito dahil na rin sa liit ng kapilya. Makakapanalangin sa kapilya at makapagsisindi ng kandila na binili sa kaunting barya mula sa nagtitinda malapit sa kapilya. Sa lapidang nasa may pintuan ng kapilya ay naisatitik ang kasaysayan ng Krus ni Magallanes at ang kahalagahan nito sa mga Cebuano. Dantaon nang pinagpipitaganan ang krus ng mga deboto sa lahat ng antas ng lipunan.
CEBU METROPOLITAN CATHEDRAL
Ito ang una naming destinasyon dahil sa pagbaba pa lang ng jeep makikita mo na agad ang simbahan. Pumasok kami ng simbahan at napaka swerte namin at may nasaksihan kaming kasalang nagaganap. Makikita mo rin dito ang iba't ibang rebulto ng mga santo at may tindahan ring nagtitinda ng mga palamuti sa bahay na napaka relihiyoso.

PLAZA INDEPENDENCIA
Sa plaza naman pagpasok mo pa lang makikita mo na ang lawak ng lupain na kung saan maraming estudyante na nag ensayo. Dito mo rin makikita ang Fort San Pedro na makakapasok ka lamang kung ikaw ay nakabayad na ng entrance fee na nagkakahalaga ng 20 pesos. Matagal kaming namalagi ss plaza dahil nilibot namin ito. Makikita rin dito ang iba't ibang rebulto ng kasaysayan.
BASILICA DEL STO. NIÑO
Pag pasok pa lang namin sa simbahan ay marami na ang taong makikita sa pasukan. Ang simbahang ito ay napakalaki pwedeng masagawa ng mesa sa loob o sa labas man. Maraming turista ang bumibisita dito dahil ang mga cebuano ay kilala bilang mga relihiyoso.
MAGELLAN'S CROSS
Ito ang huli naming napuntahan na kung saan likod lamang ito ng simbahan ng Sto. Niño. Makikita mo rito ang parang bahay kubo na kung saan may krus ang bobongan nito. Sa loob makikita mo ang malaking krus at ang bobongan nito ay may mga guhit na kung saan naka detalyado ang kasaysayan ni Magellan.
Ang iba pang larawan na ito ay kuha noong kami ay nag lalakad patungo sa mga destinasyon namin. Noong kami ay nagutom kumain kami ng sorbetes o kilala bilang "dirty ice cream". Ang aming paglalakbay ay naging matagumpay kahit masakit ang aming mga paa.
Dancel, Eirnlyn May
Cereño, Jessel
Bañados, Mary Joy
Camello, Janice
WAKAS :)